Alay ko sa pagsusulat para sa Linggo ng Wika

Ang linggo ng wika ay isang pagsasaya sa Pilipinas ng wikang Tagalog na salita ng lahat ng Pilipino.

Hindi lamang Tagalog ang salita sa Pilipinas. Marami pang ibang mga wika pero Tagalog o Pilipino ang wikang Pambansa.

Sa una, akala ko ay madali lang magsulat ng isang likha na ganito sa aking wikang kinalakihan, hindi pala. Naaalala ko pa sa isang klase na ginawa namin ng aking mga kaibigan na si Raffy Pedrajita, Rafael Pekson, Azrael Coladilla, Enzo Luna at iba pang kasamahan ay may nakilala kaming isang tao na ang lahat ng kanyang likha sa ay sa wikang tagalog.

Oo, mahirap na panay tagalog lang ang gamitin. Pero, dapat lahat ng Pilipino ay marunong pa rin nito. Napakaganda kaya ng ating sariling salita, ang nagiisang rason lamang naman na aking nakikita na kaya mahilig gumamit ng salitang banyaga ang ating mga kababayan ay sa punta ng pagkita ng pera at trabaho. Isa sa mga rason na tuwang tuwa ang mga dayuhan na magtayo ng kanilang mga kumpanya dito para sa industriyang Tawag Lugar “Call Center” (pabayaan nyo na ako at hindi ko maisip ang tamang salita) ay dahil sa galing ng mga Pilipino sa salitang Banyaga.

Ang aking paalala lang mga kaibigan ay dapat huwag nating kalimutang gamitin ang ating sariling wika. Sana ang ating mga kabataan ay patuloy nating turuan at sanayin na gamitin ang ating sariling wika.

Maligayang Linggo ng Wika sa ating lahat na Pilipino, nasa Pilipinas ka man or nasa ibang bansa.philippine-flag

photo credit to the original owner

Mabuhay ang PILIPINAS!

 

Ron is a happily married man for more than 10 years, the father of 3 boys. Loves to write about places that he visits. And works in the BPO industry.